QUEZON, Palawan — Isang 44 anyos na lalaki na wanted sa panggagahasa ang naaresto noong Linggo ng umaga sa Barangay Berong sa bayan na ito.

Sa spot report ng Quezon Municipal Police Station (MPS), kinilala ang inaresto na si Jonathan Cawaling Umambong tubong Palawan at isang magsasaka na naninirahan sa Cabugaw sakop ng Sityo Talabongan, Berong.

Inaresto siya dahil sa kasong panggagahasa sa pamamagitan ng warrant na inilabas ni executive judge Francisco F. Fanlo ng RTC 4th Judicial Region Br. 82 Odiongan, Romblon.

Hindi pinayagan ng korte na makapagpiyansa si Umambong.

Nadakip si Umambong dahil sa isinagawang operasyon ng pulisya sa Quezon sa pangunguna ni P/Maj. Lodell Lota.

 

About Post Author

Previous article8 LGU execs in MIMAROPA to be given show-cause orders for poor SAP payouts
Next article2 pinaghihinalaang pusher, timbog sa buy-bust operation