SAN VICENTE, Palawan — Nagbigay ng mga bulaklak ang mga operatiba ng 3rd Platoon ng 401st Regional Mobile Force Battalion (RMFB) sa ilang mga nanay sa bayan na ito noong Linggo, May 9, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Mother’s Day.
Bawat makasalubong nilang nanay ay bingyan ng bulaklak para alalahanin ang kanilang kadakilaan at sakripisyo para sa pamilya.
Ayon kay P/Cpt. Joseph Erpelo, naisipan nila ito para pasayahin ang araw ng mga nanay at alalahanin din ang kanilang sariling ina, lalo na’t sila ay nasa malayo at hindi sila makakasama.
“Sa ganitong paraan ay naipadama namin sa mga nanay na special sila. At dahil nga malayo kami sa aming mga magulang (nanay) na nagsilbing inspirasyon namin mula noon hanggang ngayon sa trabaho namin. Kaya dito na lang namin na-express sa simpleng pagbati at bigay sa kanila ng mga bulaklak,” sabi naman ni Michael Angelo Villaverde ng RMFB
Sa kaugnay na balita, sa Barangay Alimanguan naman ay maagang bumati at nagbigay din ng mga bulaklak sa mga simbahan ang grupo ng kabaatan ng Alimanguan San Vicente Skimmers at ang Alimanguan LGBTQ Sa pangunguna ng kanilang SK chairman na si Phil Dordones.
