SAN VICENTE, Palawan — Umabot sa 4,000 pamilya mula sa 10 barangay sa bayang ito ang naging benepisyaryo ng implementasyon ng programang food-for-work program ng pamahalaang bayan.

Ayon sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), sa ilalim ng nasabing programa ay tumanggap ng 10 kilong bigas ang bawat pamilya kapalit ng paglalaan nito ng oras para gumawa ng serbisyo sa komunidad tulad ng paglilinis sa paligid, kalsada, paaralan at baybayin, at pagkolekta at pagbubuklod-buklod ng mga basura.

Ang bigas na ipinagkaloob sa mga benepisyaryo ay mula sa rice preposition ng MSWDO noong nagdaang taon na nakalaan sakaling magkaroon ng kalamidad.

“Ito ay rice preposition natin noong year 2020. Magsi-six months na ito ngayong 2021 kaya ipinang food-for-work na natin,” ani Renea Jabagat ng MSWDO.

Dagdag niya, nauna nang naibigay ang mga rice packs sa mga benepisyaryo sa mga barangay ng San Isidro (250 rice packs), Alimanguan (300), Kemdeng (300), Poblacion(500), Binga (300), New Canipo (300), Port Barton (750) at Caruray (500).

- Advertisement -

Kasalukuyan namang nagpapatuloy ang programa sa barangay New Agutaya na may nakalaang 500 rice packs at Sto. Niño na may 300 rice packs.

Ayon pa kay Jabagat, katuwang ng kanilang opisina ang mga pamahalaang barangay upang makilala o matukoy ang mga pamilya na nangangailangan.

Ang pamamahagi ng naturang mga rice packs ay nagsimula noong Abril 14 at nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan.

Previous articleTaga-Oriental Mindoro, arestado dahil sa pag-iingat ng buhay-ilang
Next articleIsang bagong kaso ng COVID-19 naitala sa San Vicente
is the correspondent of Palawan News in San Vicente, Palawan. He also covers politics, government policies, tourism, health and sports. His has interest in travelling and exploring different places and food.