Isang 40 anyos na lalaking locally stranded individual (LSI) ang naitalang panibagong kaso ng positibong COVID-19 sa bayan ng Roxas, ayon sa municipal health officer ng bayan na si Dr. Leo Salvino.

Sa panayam noong Huwebes sa kanya ng Palawan News, sinabi ni Dr. Salvino na ang LSI ay dumating noong July 30 mula Maynila sakay ng Cebu Pacific.

Aniya, Miyerkules ng matanggap ng municipal health office ng Roxas ang RT-PCR result ng pasyente. Naka-quarantine na ito para magamot laban sa COVID-19.

“Last week siya na-swab at Martes namin naipadala ang swab test niya. Miyerkules ng hapon namin natanggap ang resulta nito na positibo nga. Nasa quarantine facility naman ang mga kasabayan niya at kasakay sa van, pinababantayan na natin sila. Wala naman sila sa community,” sabi ni Dr. Salvino.

Sa kasalukuyan, ang Puerto Princesa City at Palawan ay mayroong 159 confirmed na kaso ng COVID-19. Mula sa kabuoang bilang, 44 ang aktibong kaso at 113 naman ang naka-recover na.

- Advertisement -

Dalawa naman ang naitala ng namatay dahil sa coronavirus disease — isang taga-Barangay Tanabag sa siyudad na lalaking senior citizen at 82 anyos na babaeng senior citizen naman na taga-Coron.

Previous articleEmployers told to observe pay rules on ‘Ninoy Aquino Day’
Next articlePalawan ELCAC slams NPA for violating humanitarian law
is the correspondent of Palawan News in San Vicente, Palawan. He also covers politics, government policies, tourism, health and sports. His has interest in travelling and exploring different places and food.