BROOKE’S POINT, Palawan — Nag-umpisa Lunes ng umaga ang 4-day workweek sa bayan na ito bilang pagtalima sa Executive Order No. 12, Series of 2020, na nilagdaan ni mayor Mary Jean Feliciano bilang pagsangayon sa Presidential Proclamation No. 922 ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa EO, magkakaroon lamang ng apat na araw na pagtratrabaho sa buong linggo simula 7 a.m. hanggang 6 p.m. upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Pero nilinaw ng Human Resource Management Office (HRMO) ng Brooke’s Point na hindi ito nangangahulugan na mababakante ang mga empleyado sa araw ng Biyernes.
“Magkakaroon lang ng pag-uusap sa bawat opisina kung sino ang magdu-duty ng 7 a.m. hanggang 6 p.m. ng Monday hanggang Thursday at 7 a.m. hanggang 6 p.m. ng Tuesday hanggang Friday,” pahayag ni Mary Jean B. Cuarte ang staff HRMO.
Sabi niya, magkakaroon lamang ng “shifting of duties” ang mga empleyado.