Larawan mula sa PSWDO
- Advertisement by Google -

Kabuuang 370 senior citizens at 31 Persons with Disability (PWD) mula sa 9 na barangay ang nakatanggap ng financial assistance ng Provincial Government sa bayan ng Sofronio Española noong Hulyo 20-22.

Ang Local Social Pension ay personal na ipinagkaloob ng Provincial Social Welfare & Development Office (PSWDO) para sa mga Palaweñong nabibilang sa indigent senior citizens na may kabuuang P555,000.00 kung saan saklaw nito ang kanilang pensiyon para sa mga buwan ng Hulyo-Disyembre 2021.

Larawan mula sa PSWDO

P93,000.00 naman ang kabuuang naipagkaloob sa mga indigent PWDs para sa kanilang pensiyon sa kaparehong mga buwan.

“Ang pagkakaloob ng ayuda sa mga ito ay ayon na rin sa nagpapatuloy na programa ng Pamahalaang Panlalawigan sa ilalim ni Gobernor Dennis Socrates ito ay upang patuloy na mabigyan ng tulong at pagkalinga ang mga nakatatanda at may mga kapansanan,” pahayag mula sa Provincial Information Office (PIO).

- Advertisement -

Ang pinansyal na ayuda ay sa pamamagitan ng ‘Local Social Pension Program for Indigent Senior Citizens & Indigent Persons with Disabilities’ ng PSWDO na may layuning makatulong para sa kanilang mga pangangailangan katulad ng pambili ng gamot at marami pang iba.

About Post Author

- Advertisement by Google -
Previous articleOver 75% of mangroves threatened: UNESCO head
Next articleCulion launches Gforest mangrove rehabilitation project
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.