(File photo/PIA)

ODIONGAN, Romblon – May kabuoang 359 na estudyante sa probinsya ng Romblon ang naging benipesaryo ng Special Program for the Employment of Students (SPES) ng Department of Labor and Employment (DOLE)-Romblon Field Office ngayong taon.

Ayon kay Carlo Villaflores, provincial director ng DOLE-Romblon, ang mga kinuhang SPES beneficiaries ng ahensiya ay mga marginalized students mula sa iba’t ibang bayan kung saan ang mga ito ay nagsimula ng magtrabaho noong nakaraang linggo sa mga tanggapan sa munisipyo at iba pang ahensiya ng gobyerno.

Ang naturang mga kabataan ay magtatrabaho sa loob dalawampung araw bilang mga encoders, tax mappers, office assistants at front desk personnel.

Sa pamamagitan aniya ng suporta ng LGUs at ibang ahensya ng pamahalaan, ang SPES ay isang summer employment program para sa mga mag-aaral na sasailalim sa trabaho sa pamahalaan upang itaas ang kanilang kamalayaan sa pampublikong serbisyo.

“Nilalayon ng programang ito na mabigyan ng oportunidad ang kabataan na makapagtrabaho at higit na linangin ang kanilang kakayahan,” pahayag ni Flores.

Ang SPES o ang Special Program for the Employment of Students ay isang flagship program ng DOLE para sa mga mahihirap pero deserving students para makatulong sa kanilang pag-aaral.

Sa pamamagitan ng programang ito, natutulungan din ang mga magulang ng mga kabataang ito na maibsan ang gastusin sa susunod na pasukan.

Ayon pa kay Flores, ang 60 porsiyento ng sweldo ng mga benepisaryo ng SPES ay magmumula sa lokal na pamahalaan at alinsunod sa minimum wage na ipinaiiral sa probinsiya. Ang karagdagang 40 porsiyento naman ay magmumula sa pondo ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Bawat taon aniya ay regular na silang tumatanggap ng mga kabataang nais na magtrabaho tuwing panahon ng bakasyon. (PIA)

About Post Author

Previous articleNiyogan na sinalanta ng cocolisap sa Romblon, nakaka-recover na – PCA
Next articleMt. Mantalingahan protected landscape marks 10 years with festival event