Umabot naman sa 4,545 household ang nakatanggap na ng tulong pinansyal mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilalim ng Aide in Crisis Situation (AICS), na may kabuuang halaga na P22,752,000. (Larawan mula kay Fred Odronia)
- Advertisement by Google -

SAN VICENTE, Palawan — Umabot na sa kabuuang P15,965,000 ang halaga ng naipamahaging emergency shelter assistance (ESA) ng lokal na pamahalaan sa 3,193 households mula sa pitong barangay, base sa huling ulat ni Angelina Castillo ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), Miyerkules, Enero 12.

Sa huling datos na inilabas ng MSWDO, may nalalabi pang tatlong barangay na kinabibilangan ng Binga, New Canipo, at New Agutaya ang hindi pa natatapos ang pamamahagi ng ayuda.

Ang ESA ay isang programang ipinatutupad ng pamahalaang bayan ng San Vicente na naglalayong makatulong sa mga residente na makabili ng mga materyales nito sa pagsasaayos ng kanilang mga nasirang tahanan dulot ng bagyong Odette.

(Larawan mula kay Fred Odronia)

Umakyat na sa bilang na 9,896 pamilya ang apektado dito kung saan, 1,521 bahay ang totally damaged at 7,536 ang partially damaged.

- Advertisement -

Umabot naman sa 4,545 household ang nakatanggap na ng tulong pinansyal mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilalim ng Aide in Crisis Situation (AICS), na may kabuuang halaga na P22,752,000.

Nilinaw din ni Castillo na bagama’t nabigyan na ng AICS ay kwalipikado pa ring mabigyan ng ESA ang isang pamilya. Aniya, uunahin lamang bigyan ang mga hindi pa talaga nakatanggap ng tulong bago bigyan ang mga nakatanggap na ng AICS.

“Kapag nabigyan kana sa AICS, hindi po yun ibig sabihin hindi ka na kwalipikado sa ESA. Uunahin lamang muna yung mga hindi pa natin nabigyan, sila po ang priority natin para mabigyan naman lahat. Pero may mga barangay naman na halos doble na dahil mas nauna ang ESA ng LGU mamigay bago pa dumating ang AICS ng DSWD,” paliwanag ni Castillo.

Tiniyak din niya na mabibigyan ng ESA ang lahat ng kwalipikadong benepisyaryo sa programa. Ang mga wala sa masterlist ay kailangan lamang na magpresenta ng mga hinihinging requirements at dumaan sa pagtatasa at evaluation.

”Tumaas bigla ang number ng affected household natin, kaya nag- stop kami pansamantala. Nag reevaluate kami kasi kawawa naman yung hindi makakatanggap na mga nangangailangan at kwalipikado naman” ani Castillo.

“Makakaapekto din sa budget yung biglang taas ng household natin dahil sa huli na ang iba nagpasa ng form at data. Yung mga nahuli, kailangan talaga namin ma-evaluate yun. May matatanggap naman ang kwalipikadong benipesyaryo kaya lang siyempre unahin lang yung unang listing na validated na,” dagdag niya.

About Post Author

- Advertisement by Google -
Previous articleReklamo na carnapping laban sa dating kapitan ng Montible, ibinasura ng City Prosecutor’s Office
Next articleComfort meets style with Bata Red Label x Ortholite
is the correspondent of Palawan News in San Vicente, Palawan. He also covers politics, government policies, tourism, health and sports. His has interest in travelling and exploring different places and food.