(PN File)

[UPDATED] Mga 311 na katutubong benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang posibleng matanggal sa listahan ng Pantawid Pamilya Municipal Operation Office sa bayan ng Sofronio Española.

Ito ay matapos lumabas na hindi sila totoong mahirap, ayon na rin sa isinagawang pagsusuri ng mga tauhan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon kay Marieta Rafael, project development officer II, 2019 pa lamang ay napag-alaman na ng kagawaran na hindi kwalipikado ang mga ito, ayon na rin sa panuntunan ng 4Ps. Lumabas ang resulta ng magsagawa ng pagsusuri ang DSWD at pagkatapos ay ilabas ang resulta sa Listahanan 3 noong nabanggit na taon.

Ang Sofronio Española ay may kabuuang 728 na aktibong indigenous peoples (IP) beneficiaries na siyang nakakatatanggap ng conditional cash grant bilang tulong ng gobyerno sa ilalim ng 4Ps sa mga mahihirap na mamamayang Pilipino.

“Kung sakali pong mare-remove itong 311 declared non-poor po, magkakaroon na lamang tayo ng 417 active members sa IPs sa Sofronio Española,” sabi pa niya.

Dagdag pa ni Rafael, patuloy silang magsagawa ng Case Assessment Report (CAR) upang maiapila sa ahensya na sila ay karapat dapat pa ring maging benipisyaryo base sa mga indikasyon na sila ay nabibilang sa mga mahihirap na pamilya.

Magugunitang sa pag-upo ni DSWD Secretary Erwin Tulfo, inatasan nito na magsagawa ng cleansing o pagtanggal sa mga miyembro ng 4Ps na hindi talaga kwalipikado sa programa.

Pinag-aaralan din ng DSWD na magbigay ng P1,000 na pabuya sa mga makapagtuturo sa sinumang mga miyembro ng 4Ps na hindi kwalipikado.

About Post Author

Previous articlePhilippine distributor ng Häagen-Dazs, boluntaryong ni-recall ang ilang batch ng vanilla ice cream
Next articleFPIC process para sa renewal ng MPSA ng Ipilan Nickel Corporation, isinasagawa
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.