May kabuuang 300 na puno ng Narra ang itinanim sa isinagawang tree planting activity na pinangunahan ng Regional Mobile Force Batallion (RMFB) sa Sitio Montevista, Barangay Poblacion sa bayan ng Taytay, bilang bahagi ng pagdiriwang ng 11th Community Relations Service Month ng pambansang pulisya, noong araw ng Martes, Hunyo 7.
Katuwang ng RMFB sa nasabing aktibidad ang mga tauhan ng Taytay Municipal Police Station (MPS), Philippine Coast Guard (PCG), Taytay District Jail, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), Philippine Marines, Municipal Tourism Office, Palawan State University Taytay Campus, Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), at Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Layunin ng nasabing aktibidad na madagdagan ang mga punong kahoy sa bayan at mapalitan ang mga punong nasira matapos na humagupit ang bagyong Odette nitong nakalipas na taon, at bilang bahagi na rin ng suporta ng mga nabanggit na ahensya sa environmental protection and conservation sa nasabing bayan upang mapangalagaan ito sa laban sa ng baha at pagguho ng lupa.

Samantala, nagpasalamat ang pamunuan ng Taytay District Jail (TDJ) na mapabilang ang kanilang hanay sa nasabing aktibidad.
Ayon kay SJO4 Reynold Felipe, maliban sa regular na pagsasagawa ng ay kabilang ang coastal management katulad ng paglilinis sa baybayin at pagtatanim ng mangroves.
“The tree planting activity aims to raise awareness to the society in the importance of planting and saving trees, express our concern to the environment, and diminish the unfavorable effect of climate change. It also helps us build a strong relationship and camaraderie with each other by helping hand in hand in preserving the ecology,” sabi ni Felipe.
“Maliban sa ito ay mandato ng ating gobyerno ito ay para din syempre sa mga kabataan or for the future ng ating magiging anak at magiging anak ng mga anak natin, and also preparation for climate change,” dagdag niya.
