Ang Christmas "tree of hope" ng bayan ng Taytay na pinailawan noong Disyembre 1, 2021. (Frameskip Per Second Media atn ni Lea May)

Pinailawan sa bayan ng Taytay noong Disyembre 1 ang may 30 talampakan na Christmas “tree of hope” nito sa Municipal Hall Complex bilang hudyat ng pag-uumpisa ng masayang selebrasyon ng pasko ng mga residente bagama’t patuloy ang pandemya na dulot ng COVID-19.

Ang pagpapailaw ay pinangunahan ni Mayor Christian Rodriguez kasama sina vice mayor Cherie Anne Rodriguez, at ang iba pang mga opisyales ng pamahalaang munisipyo. Sa kanyang mensahe ay ipinahayag nito ang kanyang pasasalamat sa mga mamamayan sa isang buong taon ng pagbibigay suporta at pakikiisa.

“Marami man pong naging hamon sa ating unang taon ng panunungkulan bilang ama ng ating bayan, subalit ang inyong pagtitiwala at pagmamahal ang patuloy kong nagiging inspirasyon upang lalong mapabuti ang serbisyo para sa inyo, mga minamahal kong Taytayanos,” pahayag niya.

Iminungkahi rin ni mayor Rodriguez na ang lahat ng mga mamamayan ay sabay-sabay na tumulong at magdasal na matapos na ang pandemyang nararanasan.

- Advertisement -

Ang pagpapailaw Christmas tree ay simbolo ng pag-asa sa panahon ng pandemya, aniya.

Previous articleFun ride laban sa iligal na droga, isinagawa sa San Vicente ng mga bicycle rider
Next articlePalace urges LGUs to accept walk-ins in ‘Bakunahan 2’
is the correspondent of Palawan News in San Vicente, Palawan. He also covers politics, government policies, tourism, health and sports. His has interest in travelling and exploring different places and food.