Photo courtesy of 2nd SOU-MG.

Tatlong residente ng Bataraza ang inaresto ng mga personnel ng 2nd Special Operations Unit-Maritime Group (2nd SOU-MG) dahil sa pagbibiyahe ng mga kahoy na walang kaukalang dokumento noong Linggo.

Ang mga ito ay kinilalang sina Saramel Mad-Ali Ahmal, Joseph Jalain Estrada, at Jaime Edloc Corio na kapwa mga residente ng Sityo Tagkawayan at Culandanum sa Barangay Sumbiling, Bataraza.

Ayon sa ulat ng 2nd SOU-MG na natanggap ng Palawan News, ang mga kahoy ay ikinarga ng mga suspek sa isang traysikel na may pinturang red at blue.

Kung walang dokumento ang mga “good lumber”, ang pagbibiyahe umano nito ay paglabag sa Presidential Decree 705 o ang Forestry Reform Code of the Philippines.

 

About Post Author

Previous articleHow to be a responsible outdoor enthusiast to reduce environmental impacts on trails
Next articleOrdinance seeks Pag-IBIG contributions for trike drivers
Jayra Joyce Cañete Taboada handles the law and order and the science and education beats. She is also a licensed professional teacher.