Aabot sa mahigit kumulang 12 gramo ng pinaghihinalaang shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad nang mapasok at maaresto nila ang tatlong indibidwal sa isang drug den sa Barangay Panacan II, bayan ng Narra, bandang 5:15 kahapon, July 6.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Chris Reyes, Nicole Bonbon, at ang high-value target (HVT) at matagal nang minamanmanan ng mga pulis at operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Palawan na si John Carlo Escalante.

Inihayag ng PDEA sa report nito na nagsagawa sila ng buy-bust operation laban kay Escalante kahapon kung saan walong sachets ng shabu ang nakuha.

“Tinutuluyan ito ni Nicole, ginagawa niya na rin na drug den, tapos itong si Escalante parang ginagawa na rin na one-stop-shop ang bahay ni Nicole dito siya gumagamit. Tapos kapag may mga parokyano siya na bibili, pinapapunta niya dito saka dito na pinagagamit. si Reyes parokyano ni Escalante,” pahayag ng isang agent ng PDEA na hindi puwedeng pangalanan.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Narra Municipal Police Station (MPS) ang mga suspek, na sasampahan kaso dahil sa paglabag sa Section 5, 6, 7, 11, and 12 sa ilalim ng Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Previous articleNAPOCOR may power maintenance activity sa July 9, ilang lugar maaapektuhan
Next articleDalawang lalaki na ilegal na namumutol ng kahoy, arestado sa watershed ng Aborlan
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.