(TRIGGER WARNING: This story has potentially upsetting content. Readers should exercise caution.)

Diretso sa ospital ang tatlong indibidwal matapos na magkabanggaan ang dalawang motorsiklo sa kahabaan ng national highway sa Purok Maligaya, Barangay Sandoval sa bayan ng Narra, alas 7:45 kaninang umaga, October 12.

Sa report ng Narra municipal police, parehong nagtamo ng pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan at ulo sina Bobby Masagnay Carlos, 55, at angkas nitong anak na si Kristine Joy Francisco Carlos, 22, nang makasalubong ang Honda wave 125 na minamaneho naman ng social rorker ng Narra municipal government na kinilalang si Gether Galla Tan, 25.

Patungo sa bahaging norte ang Honda TMX Super 150 na minamaneho ni Carlos, ayon sa report ng pulisya.

Sinabi din sa report na mabilis ang takbo ng motorsiklong minamaneho ni Carlos, na inukupa ang kabilang lane kaya nangyari ang aksidenteng banggaan.

Dinala na sa Narra police station ang parehong motorsiklo, habang minomonitor naman sa Aborlan Municipal Hospital ang tatlo.

About Post Author

Previous articleGov’t to bare ‘specific’ plans to address oil price hikes
Next articleProv’l gov’t honors Palaweño shoe designer Val Ruiz’s worldclass achievement
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.