Tatlong bangka na may pangalang Palawan Pirates 2022, Palawan Pirates 2023, Palawan Patrick, at isang barko ang nahuli ng Philippine Coast Guard (PCG) na nagnanakaw (diesel pilferage) ng diesel sa Navotas Fish Port noong January 28.

Ayon sa PCG, habang nagpapatrolya ay namataan ng kanilang team ang limang tripulante ng M/V MIROLA 1 na nagsasalin ng diesel sa tatlong bangka na may sakay na 13 tripulante – PALAWAN PIRATES 2022, PALAWAN PIRATES 2023, at PALAWAN PATRICK.

“Agad na ininspeksyon ang mga sasakyang pandagat at nakumpirma ang pagsasagawa ng iligal na aktibidad (fuel pilferage). Humigit-kumulang 20,000 hanggang 30,000 litro ng diesel ang naisalin ng M/V MIROLA 1 sa tatlong bangka nang maaktuhan ng PCG,” pahayag ng PCG ngayong umaga ng January 30.

Nakumpirma rin na walang dokumento ang mga ito sa imbestigasyon na isinagawa. Napag-alaman pa ng PCG na sangkot din sa fuel pilferage ang tatlong bangka, hindi lamang sa katubigan ng Maynila, kundi pati na rin sa Bataan at Batangas.

Agad na dinala sa Coast Guard Sub-Station Navotas ang mga sangkot na sasakyang pandagat at mga tripulante nito para sa paghahain ng karampatang kaso.

About Post Author

Previous articleEl Nido distributes food packs for Food for Work
Next articlePamahalaang panlalawigan, magpapahiram ng heavy equipment sa bayan ng Rizal
has been with Palawan News since January 2019. She is its managing editor, overseeing and coordinating day-to-day editorial activities. Her writing interests are politics and governance, health, defense, investigative journalism, civic journalism, and the environment.