Isa sa tatlong suspect na nahuli sa isinagawang drug buy-bust operation noong March 8, 2021. | Larawan mula sa PPCPO.

Tatlong katao ang naaresto ng mga tauhan ng Puerto Princesa City Police Office (PPCPO) at ng Anti-Crime Task Force (ACTF) sa dalawang magkasunod na buy-bust operation sa  dalawang barangay sa Lungsod ng Puerto Princesa, kahapon araw ng Lunes, Marso 8.

Unang naaresto ang mag-live in partner na sina Raymond Reyes alyas tokmol,  at  Anabel Amasan Baltar sa Typoco Road 4, Barangay San Manuel, 1:45 ng hapon.

Nakuha sa dalawa ang tatlong sachet ng pinaghihinalaang droga at P2,500 marked money na ginamit sa buy-bust.

Ayon ulat ng PPCPO, si Reyes ay may dati na ring kaso na may kinalaman sa droga noong taong 2016 samantalang ang live-in partner naman nito na si Baltar ay naaresto unang pagkakataon lang nahuli sa pakikipagsabwatan nito sa pagbebenta ng droga.

Napag-alaman din ng awtoridad sa pamamagitan ng kanilang asset na si reyes nga ay muling nagbebenta ng iligal na droga.

- Advertisement -

Bandang 6:30 naman ng gabi ay naaresto rin ang isang lalaki na kinilalang si Gil Tomenio Jr., alyas Nono sa isa pang buy bust operation ng pinagsanib na pwersa ng ACTF at ng City Drug Enforcement Unit (CDEU) sa Barangay Mandaragat.

Nakuha sa kanya ang dalawang sachet ng pinaghihinalaang shabu at P3,500 na halaga ng pera.

Ang tatlo ay nasa kustodiya na ngayon ng pulisya na nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa  Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Previous article‘Yes’ or ‘No’ votes to decide Palawan plebiscite result: Comelec
Next articleLPA moving towards Mindanao