Muling sinorpresa ng mga tauhan ng 2nd Palawan Provincial Mobile Force Company (2PPMFC) ang mag-inang una na nilang tinulungang makapagpatayo ng bahay sa Purok Area 4, Brgy. Sandoval, Roxas, Palawan.

Buong akala ni Adelita Laryosa, biyuda at may isang anak, na sa pagpapatayo na ng kanilang matitirahang bahay matatapos ang tulong ng 2PPMFC sa kanila. Kaya naman laking gulat nito nang pag-uwi nito galing sa paglilinis at pagdadamo sa kampo ng 2PPMFC noong September 6 ay bumungad sa kanya ang isang sorpresa.

“Piniringan siya ng mga pulis natin bago dumating sa bahay niya. Ang hindi niya alam, may mga naghihintay na sa kanya para siya surpresahin,” kwento ng pinuno ng 2PPMFC na. si P/Lt. Col. Mhardie Azares

Isang sari-sari store ang ipinagkaloob sa kanya ng mga tauhan ng 2PPMFC upang makatulong na matustusan ang kanilang pang araw araw na mga pangangailangan.

“Naisipan naming bigyan sila ng munting negosyo para makatulong sa gastusin nila araw araw. Malaking tulong yun, lalo na at ang paglalabada at pagdadamo ay hindi sapat para matustusan niya (Adelita) ang pag aaral ng anak at pagkain nila araw araw,” dagdag ni Azares

Ayon pa ka Azares, naisipan ng kanilang grupo na bigyan ng tulong pangkabuhayan ang mag-ina matapos nila itong bisitahin noong September 4 para kamjustahin ang mga kalagayan nito.

Matatandaan namang una nangtinulungan ng 2PPMFC ang mag-ina nang pagpatayo nila ito ng sariling bahay matapos silang palayasin sa kanilang inuuupaan.

“humingi siya ng Sawali at ilang magagamit lang para mabuo ang maliit na bahay para malipatan nilang mag- ina agad. kami naman sa kompanya ((2PPMFC), nag ambag ambag, sa tulong na din ng mga stockholders at ng LGU, nakumpleto natin ang gamit, tapos ang mga pulis natin ang nagtayo at bumuo ng bahay ng ilang araw lang para makalipat sila agad, na nangyari naman,” pahayag ni Azares.

Kaya naman lubos-lubos ang naging pasasalamat ng mag-ina sa 2PPMFC.

Ayon naman sa 2PPMFC, sa ganitong mga gawain ay nais lamang nilang ipadama sa mga mamamayan ang tunay na kalinga ng 2PPMFC, na kung may pagkakaisa at pagtutulungan – walang imposible.


ADVERTISEMENT


Bakit mo pa pahihirapan ang sarili kung kaya namang mabilis, maasahan, at
walang kuskos balungos ang pag-claim ng remittance galing abroad? Kaya
i-Palawan mo na mga ka-Suki! #GlobalAngGalingNatin, iyan ang #PalaParaan
💪💸
May over 6,000 Palawan branches nationwide. I-click lang ang link na ito para
sa listahan ng mga Palawan Express branches
nationwide: https://bit.ly/3bOiiTU

Previous articleTeller ng ‘Peryahan ng Bayan’, arestado sa bayan ng Narra
Next articleAkyat-bahay, timbog sa bayan ng Dumaran
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.