Aabot sa 60 na mga bata ang napasaya ng 2nd Special Operations Unit-Maritime Group (2nd SOU-MG) sa kanilang Christmas gift-giving project na isinagawa sa kanilang headquarters sa Honda Bay, Barangay Sta. Lourdes noong Biyernes (December 18).

Ang pamimigay ng regalo ay sa pamamagitan ng kanilang Paskuhan 2020 katuwang ang Puerto Princesa City Crime Laboratory Office (PPCCLO). Napili ng maritime police ang mga kabataang anak ng mga mangingisda at bangkero sa Sta. Lourdes upang maranasan pa rin ang diwa ng pasko kahit na may pandemya na dulot ng COVID-19.

“Lahat ng batang nasa edad three hanggang 11, ipinagpaalam natin sa kanilang mga magulang at inanyayahan natin sa ating feeding program at gift-giving” pahayag ni Cpt. Dandy Ferriol, operations officer ng 2nd SOU-MG.

 

 

“Ito ay para maipadama na rin natin sa mga bata ang diwa ng pasko. ‘Yung pagbibigayan, kahit nakaranas tayo ng matinding hirap dahil na din sa pandemyang dulot ng COVID-19,” dagdag pa nito.

Sabi ni Ferriol, asahan na bago magtapos ang taon ay  muli silang mamimigay ng mga regalo at magpapasaya sa mga bata.

“Sa New Year, plano pa namin na ipagpatuloy ang activity bilang pagsalubong sa bagong taon. Para lahat masaya,” dagdag niya.

Sabi niya, bagama’t hindi magiging pareho ng mga nakaraang pasko ang pagdiriwang ngayong taon, dapat pa rin na isaisip ang pagpapasalamat sa lahat ng mga biyaya na patuloy na tinatanggap at umasa na mababago na ang sitwasyon sa darating na mga araw.

 

 

Previous articleNo fund allocation yet for the acquisition of vaccines for COVID-19
Next articleBriones orders preventive suspension of top DepEd Palawan official
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.