Humigit kumulang 400 na mga residente ng Sitio Albaguen, Barangay Port Barton sa bayan ng San Vicente ang nakinabang sa iba’t ibang tulong na ibinahagi ng 2nd Palawan Police Mobile Force Company (PPMFC) katuwang ang ilang organisasyon sa kanilang isinagawang outreach program kahapon, August 21.
Naghatid ang nasabing outreach program ng libreng tuli at gupit sa mga residente. Namigay din ang mga ito ng libreng gamot at bakuna laban sa COVID-19, health kits, at mga school supplies para sa mga residente ng nasabing isla.
Nagkaroon din ng pagbabahagi ng salita ng Diyos sa pamamagitan ng KaSimbaYanan program ng PNP.
Upang mas mapalawak ang kaalaman ng komunidad, nagbahagi din ng tungkol sa mga serbisyong hatid ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ang nasabing opisina.
Nagbahagi din ang Philippine National Police ng mga kaalaman tungkol sa kanilang mga programa tulad ng Coronavirus Awareness Response and Empowerment (C.A.R.E.), Drug Abuse Resistance Education (D.A.R.E.), at Community Anti-Terrorism Awareness (CATA) kabilang na ang mga programa ng National Task Force to End Local Conflict (NTF-ELCAC).
Ayon kay P/Lt. Col. Mhardie Azares, ang ganitong mga aktibidad ay tunay na pagsasabuhay sa diwa ng mag-“𝘛𝘢𝘳𝘢𝘣𝘢𝘯𝘨𝘢𝘯 𝘒𝘪𝘵𝘢” o pagtutulungan.
Dagdag pa nito, patuloy nilang gagawin ang ganitong mga proyekto, mapa malayo o malapit man, upang patuloy na makapagbigay ng pag-asa sa maraming Palawenyo.
Naging katuwang ng 2nd PPMFC sa nasabing programa ang San Vicente LGU, MSWDO, MHO, Kabataan Kontra Droga at Terorismo- Port Barton, Philippine Coast Guard- Port Barton Station, Kiwanis Division 4E Palawan, 4RCEN Air Force Reservist at Grand PPC at Lady Eagles Club.
ADVERTISEMENT
Everyday is Buffet Day at House of Thai by Mackies!
You won’t ever get enough with 24 different menu that we have to offer daily.
For only 299 pesos, you can experience the authentic Thai cuisine with a twist of Pinoy, Malaysian, and Singaporean dishes.
For bookings and reservations:
📲 (0917) 553 2055 / (0909) 524 9715
