Ang coconut farmers registration para sa NCFRS ng PCA Palawan sa bayan ng Cuyo. || larawan mula sa PCA Palawan file

Umabot sa 260 coconut farmers sa bayan ng Cuyo ang naitala na ng Philippine Coconut Authority-(PCA)-Palawan sa National Coconut Farmers Registry System o NCFRS ngayong unang linggo ng buwan ng Hunyo.

Sa panayam ng Palawan News kay Arlo Solano, acting division chief 1 ng PCA-Palawan nitong Huwebes, Hunyo 3, ang mga naitala ay kabilang sa unang batch ng mga coconut farmers na nairehistro ng kanilang enumerator katuwang ang Cuyo Municipal Agriculture Office (MAO).

Ani Solano, magpapatuloy pa ang NCFRS registration para sa iba pang barangay ngayong ikalawang linggo ng Hunyo sa tulong din ng mga barangay captain at ng lokal na pamahalaan.

“May PCA enumerator tayo na pumunta doon para lang isagawa ang registration at mayroon nang mahigit 200 farmers ang nai-register sa NCFRS. Magpapatuloy pa ito sa ikalawang linggo, nandoon pa rin ang tao natin katuwang ang MAO ng Cuyo,” pahayag ni Solano.

Ayon pa sa kanya, malaki ang kahalagahan para sa magsasaka ng niyog na mairehistro sa NCFRS upang maisama sila sa mga programa ng Department of Agriculture (DA) at sa mga programa ng PCA katulad ng cash and food subsidy for marginalized farmers and fisherfolks.

“Sa tulong ng programang ito ay may mga farmers na tayong nabigyan ng cash upang maitawid pa rin nila ang kanilang araw-araw na pangangailangan. Lalo pa na apektado tayo ng pandemya ay tuloy-tuloy ang pagbigay natin ng QR code mula sa Cash and Food Subsidy for Marginalized Farmers and fisherfolks,” aniya.

“Kaya mahalaga na lahat ng coconut farmers natin ay mairehistro sa NCFRS para maka-avail ng mga programa ng DA at PCA,” dagdag niya.

Panawagan din ni Solano sa iba pang munisipyo sa lalawigan na hindi pa nakapagprehistro sa NCFRS ay magtungo lamang sa mga MAO ng kanilang mga bayan at magtanong tungkol sa NCFRS registration.

Previous articleQuarantine pass system mahigpit na ipinatutupad ngayon sa Taytay
Next articleVaccination rollout nagpapatuloy sa bayan ng Roxas at Magsaysay
is the news correspondent for Sofronio EspaƱola and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.