Tree planting activity ng Taytay District Jail, nakapagtanim ng mga puno ng Baan. (Larawan mula sa TDJ)
- Advertisement by Google -

May kabuuang 25 seedlings ng endemic tree na Baan ang itinanim ng mga kawani ng Taytay District Jail (TDJ) sa isinagawang tree planting activity sa Sitio Purongyawan, Barangay Poblacion ng bayang ito, araw ng Lunes, Disyembre 6.

Ang aktibidad na buwanang isinasagawa ay bilang pagsuporta ng TDJ sa programa ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Taytay na may kinalaman sa pangangalaga ng kagubatan, sa tulong na rin ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Ang seedlings na itinanim ay ipinagkaloob naman ng Department of Agriculture (DA) na patuloy ding umaagapay sa pamamagitan ng pagbibigay ng iba’t ibang uri ng seedlings upang itanim sa bawat barangay ng bayan.

Ayon kay JO1 Jorge Capacillo, Community Relations Surveillance Officer ng TDJ, sila ay patuloy na nakikibahagi sa pangangalaga ng kalikasan upang makatulong sa enviromental conservation and protection programs ng pamahalaan.

- Advertisement -

“Ito ay isang paraan ng BJMP para makatulong sa ating komunidad. Ang pagtatanim ng mga punong kahoy na endemic sa ating lugar, para na rin sa pagsugpo ng global warming,” pahayag ni Capacillo, December 7.

Dagdag niya, nakatakda pa rin silang magsagawa ng tree planting activity sa iba pang barangay ng bayan katuwang ang barangay officials at komunidad sa mga susunod pang buwan.

About Post Author

- Advertisement by Google -
Previous articleIsa sa 4 na nawawala mula Boracay, natagpuan sa bayan ng Magsaysay sa Palawan
Next articleGroups find toys’ labeling wanting, tell consumers to seek properly labeled and non-toxic toys
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.