Larawan mula sa PIO Palawan

May kabuuang 246 indigent senior citizen at persons with disability ang nakatanggap ng local social pension na ipinagkaloob ng Provincial Social Welfare & Development Office (PSWDO) sa bayan ng Balabac noong Pebrero 9-12.

Ang mga ito ay kinabibilangan ng 203 na senior citizens na nakatanggap ng tulong pinansyal na nagkakahalaga ng P529,500 na pensiyon, at 43 PWDs na nakatanggap ng halagang P381,000 pensiyon, para sa mga buwan ng Hulyo-Disyembre 2020 at Enero-Hunyo 2021.

Batay sa inilabas na ulat ng Provincial Information Office (PIO) ngayong Pebrero 17, ang nasabing pensiyon ay ipinagkaloob ayon na rin sa direktiba ni Gob. Jose Ch. Alvarez. Ito ay upang maipadama sa mga nakatatanda at may kapansanan sa nasabing bayan ang pagkalinga ng pamahalaang panlalawigan upang makatulong sa araw-araw nilang pangangailangan katulad ng pambili ng kanilang mga gamot at iba pang pangangailangan.

“Ito ay sa ilalim ng ‘Local Social Pension Program for Indigent Senior Citizens & Indigent Persons with Disabilities’ ng PSWDO na may layuning makatulong sa mga ito partikular sa kanilang pangangailangan sa mga gamot at pagkain,” ayon sa pahayag mula sa PIO.

About Post Author

Previous articleCivil Registrar soon to collect document processing fees
Next articleSmart fully restores services in Palawan
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.