23 katao arestado sa “Oplan Valentino”

Ilan lamang sa 23 na naaresto sa “Oplan Valentino”


Umabot sa 23 katao ang naaresto ng operatiba ng Palawan Provincial Police Office sa kanilang isinagawang Oplan Valentino 2016 sa buong lalawigan kamakailan.

 

 

Ayon kay Inspector Ric Ramos, tagapagsalita ng Palawan-PNP Provincial Command, sabay-sabay na isinagawa ang Oplan Valentino noong ika-13 hanggang ika-14 ng Pebrero sa iba’t-ibang munisipyo sa lalawigan.

 

 

Sinabi ni Ramos na nakapaloob sa naturang operasyon ang paghihigpit sa mga check point kasabay nito ang pag-aresto sa mga suspek na mayroong warrant of arrest. Sakop din ng naturang gawain ang panghuhuli sa mga suspek sa iligal na droga, paglabag sa mga batas pang-kalikasan, at loss firearms.

 

 

Nakatakdang ilipat sa panlalawigang piitan ang mga nahuling suspek para sa tamang disposisyon.

This material may not be published, broadcast, rewritten, or redistributed. © Copyright 2018 - Qubes Publication and Ads Promotion. All rights reserved.

You may also like...