Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng suporta ng 2nd SOU-MG sa environmental protection program and conservation ng bayan.

Umabot sa 2,000 mangrove propagules ang itinanim ng mga kawani ng 2nd Special Operations Unit-Maritime Group (2nd SOU-MG), sa pakikipagtulungan ng mga opisyal ng Barangay Tagumpay sa pangunguna ni kapitan Richard Astor, mga guro at mga residente ng bayan ng Coron, noong araw ng Lunes, Enero 3.

Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng suporta ng 2nd SOU-MG sa environmental protection program and conservation ng bayan, at bilang bahagi ng PNP mission na pangalagaan ang kalikasan, maliban sa pagpapanatili ng kapayaan at katahimikan sa komunidad.

Ayon kay P/Lt. Anna Viola Abenojar, tagapagsalita ng 2nd SOU-MG, patuloy ang kanilang ahensya sa pagsasagawa ng mga ganitong klaseng pagtatanim ng mangroves sa iba’t-ibang panig ng lalawigan katuwang ang mga komunidad, pamahalaang lokal at mga Non-Government Organizations (NGO) upang suportahan ang pagbibigay ng proteksyon sa kalikasan.

Dagdag niya, nagsasagawa rin sila ng buwanan na coastal cleanup sa mga baybayin upang pangalagaan ang mga likas na yamang dagat sa lalawigan.

“Pinasasalamatan natin unang-una, ang mga barangay officials sa walang sawang suporta sa PNP maritime dahil kung wla sila ay hindi magiging matagumpay ang ating isinagawang activity, at sa sigasig ng ating mga personnel na ipagpatuloy ang mga mahahalagang programa ng PNP,” pahayag ni Abenojar, January 5.

“Ang napakahalagang programang ito ay patuloy nating isasagawa upang maiwasan ang mga sakuna gaya ng pagbaha sa iba’t-ibang bahagi ng lalawigan ng Palawan na minsan ay nagiging dahilan ng kapahamakan ng ating mga kababayan,” dagdag niya.

About Post Author

Previous articlePHO iimbitahan sa prov’l board para magbigay ng update hinggil sa COVID-19
Next articlePagbabakuna sa Rizal, umabot na sa 40 porsyento
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.