Nasa 200 contract of service employees (COS) ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Rizal ang muling pumirma ng bagong kontrata para maipagtuloy ang kanilang trabaho bilang kawani ng lokal na pamahalaan ngayong taong 2022.
Ayon kay Vice Mayor Norman Ong, mahalagang maipagtuloy ng mga ito ang kanilang trabaho upang makatulong pa rin sa tuloy-tuloy na serbisyo ng lokal na pamahalaan sa mga mamamayan at mismong sa kanilang mga pamilya.
“Magiging instrumento sila ng ating gobyerno para maihatid pa rin ang serbisyo sa mga mamamayan at barangay natin,” pahayag ni Ong.
Pumirma ng anim na buwang kontrata ang 200 COS simula buwan ng Enero at magtatapos sa buwan ng Hunyo.
Bago ang paglagda ng kanilang kontrata isang orientation ang isinagawa ng lokal na pamahalaan upang maiparating sa kanila ang hangarin ng pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Otol Odi at Ong na patuloy silang mabigyan pa rin ng trabaho sa nalalabing anim na buwan pagkatapos ng halaan.
“Ilan sa mga COS natin ay naka-assign sa barangay. Importante sila upang maipaabot pa rin natin sa mga komunidad ang serbisyo ng munisipyo,” paliwanag ni Ong.
