Dalawampung panibagong aktibong kaso ng COVID-19 ang naitala sa bayan ng El Nido as of May 15, ayon sa ulat nito.
Ang ilan sa mga ito ay mula sa mga barangay ng Pasadena, Bucana, Bebeladan, at Buena Suerte. Mayroong ding mga positibong kaso na mula sa bayan ng Taytay, Roxas, at Puerto Princesa na nagtratrabaho ang ilan sa mga resort.
Pinaka matanda sa kanila ay isang 74 taong gulang na babae na mula sa Pasadena at kasalukuyang naka-isolate sa ospital.
Bukod sa kanila, 11 naman ang naitalang probable cases base sa isinagawang contact tracing. Sila ay mga taga-barangay Masagana, Bucana, Pasadena, at Bebeladan at close contacts ng ilang mga kumpirmadong positibo.
Sa kasalukuyan ang El Nido ay may 22 aktibong kaso at 37 probable cases ng coronavirus disease.
