Isang lalaki ang naaresto sa bayan ng Narra dahil sa pagtutulak ng droga, Miyerkules ng gabi. Photo courtesy of Narra MPS.

Isang lalaki ang naaresto sa bayan ng Narra dahil sa pagtutulak ng droga, Miyerkules ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Amer Sultan Baltao, 20 anyos, residente ng Purok Masipag, Barangay Antipuluan.

Ayon sa panayam ng Palawan News kay P/Maj. Romerico Remo, hepe ng Narra Municipal Police Station (MPS), ang suspek ay nahuli sa tulong ng kanilang civilian asset.

Sila ay nakabili ng isang plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu sa halagang P500.

Dagdag pa ni Remo, ang suspek ay mula pa sa Maynila at pinauwi ng magulang sa Narra upang mapagbago ito, ngunit nitong huli ay nasangkot naman sa pagtutulak ng droga.

- Advertisement -

“Pinauwi na siya ng magulang niya dito para magbago kaso ayon ganoon pa rin. According sa kanyang magulang nag-ii-stay ito sa Quiapo, Manila at na-involve sa iba’t ibang bisyo kaya pinauwi,” sabi ni Remo.

 

Previous articleAlternate routes to be identified for trike ban implementation in Puerto Princesa
Next articleParking fee collection temporarily suspended at City Baywalk
Jayra Joyce Cañete Taboada handles the law and order and the science and education beats. She is also a licensed professional teacher.