Larawan mula sa PPPO
- Advertisement by Google -

Arestado ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa magkahiwalay na operasyon kahapon, August 3.

Naaresto sa Baltan St., Barangay. San Miguel sa lungsod ng Puerto Princesa, si Ian Nuñez Mejica, bandang 2:28 kahapon, matapos ang isang buy-bust operation.

Nasamsam sa suspek ang buy-bust money na nagkakahalaga ng P2,000, nabiling shabu, cellphone, at motorsiklo nito na ginamit sa kanyang transakyon sa droga.

Napag alaman naman na labas pasok na ng kulungan si Mejica sa parehong kaso.

- Advertisement -
Larawan mula sa PPCPO

Arestado naman bandang alas 9 kagabi sa Purok Republic, Barangay IV sa bayan ng Roxas si Saturday Tipay Carpo, alyas “Thore”, 43 taong gulang.

Nakabili ang asset ng mga pulis ng dalawang sachet ng pinaghihinalaang droga na may bigat na aabot sa 0.84 gramo na may market value na aabot sa P2,500 mula sa suspek.

Nakuha mula sa suspek ang ginamit na marked money, at dalawang unit ng cellphone.

Kakaharap ang dalawa sa patung-patong na mga kasong may kinalaman sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of the Philippines.

About Post Author

- Advertisement by Google -
Previous articleTricycle driver, patay matapos bumangga sa nakaparadang truck
Next article9 na ilegal na mangingisda, arestado sa bayan ng Agutaya
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.