Dalawa ang naging biktima sa banggaan ng motorsiklo at isang pampasaherong van sa Barangay Lucbuan alas 5 ng hapon kanina, December 23.

Kinilala ang isa sa mga biktima na si Kenneth Dela Cruz na syang driver ng motorsiklo. Angkas nito ay ang kanyang tiyuhin ngunit hindi pa maibigay ang buong pangalan.

Ayon sa isang saksi, mula sa lungsod ang nasabing van na patungo sana sa bayan ng El Nido.

“Ang tama po ng bata (driver) sa ulo at paa niya, tapos ang tito niya sa paa. Maayos naman sila pareho noong umalis sila dito sakay ng ambulansya,” pahayag ng saksi na si Erica.

Kasalukuyan namang nasa kustodiya ng Puerto Princesa City Police Station 1 ang driver at van.

About Post Author

Previous articleLawmaker backs legalization of small-scale miners
Next articleDOH reminds public to maintain healthy diet during the holidays
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.