Jul 4, 2020

2 pinaghihinalaang pusher, timbog sa buy-bust operation

Kinilala ni Anti-Crime Task Force (ACTF) head Richard Ligad ang dalawa na sina Ruel Deñado Cabañog at John Canut Daquer.

Photo courtesy of Richard Ligad, ACTF head.

Dalawang lalaki ang naaresto sa magkasunod na buy-bust operation sa lungsod ng Puerto Princesa noong Lunes.

Kinilala ni Anti-Crime Task Force (ACTF) head Richard Ligad ang dalawa na sina Ruel Deñado Cabañog at John Canut Daquer.

Nahuli si Cabañog sa loob ng compound ng Medical City, National Highway, Barangay San Pedro matapos mabilihan ng hinihinalang shabu, bukod sa buy-bust item, nakuha rin sa kanya ang isa pang sachet ng shabu, cellphone at pera.

Samantala, nadakip naman si John Canut Daquer sa Purok Pagkakaisa, Rizal Avenue Extension sa Pardeco Village, Barangay Bancao-Bancao. Nakuha kay Daquer ang limang sachet ng hinhinalang shabu kasama na ang nabili mula sa buybust at pera.

Nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang dalawang suspek.

Ang buybut operation ay isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) katuwang ang City Anti-Crime Task Force.

 

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry