No Images found.

2 motorsiklo at poste ng PALECO, damay sa vehicular accident sa Sofronio Española

Isang pick-up truck ang nawalan ng kontrol at bumangga sa dalawang motorsiklong naka-park sa tabi ng kalsada at sa isang poste ng Palawan Electric Cooperative (PALECO) noong Huwebes sa Barangay Labog, Sofronio Española.

Walang nasaktan sa nasabing insidente subalit haharap sa kasong reckless imprudence resulting in damaged to properties ang driver nito na kinilala sa isang police report na si Louie Concon Pucot, residente ng Brgy. Bato-Bato, Narra, Palawan.

Ayon sa report, galing ang driver at sasakyan sa bayan ng Bataraza at patungo sa Bato-Bato sa Narra nang mawalan ng kontrol ang driver sa isang kurbadang bahagi ng national highway.

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry