Image courtesy of PALECO. (File photo)

 

Conscious at under observation ang dalawang lalaking naulat na nakuryente habang nagkakabit ng linya ng street lights sa South National Highway, Barangay Sta. Monica, Biyernes ng hapon.

Ayon sa ulat mula sa City Police Station 2, na kinilalang sina Edgarmel Lojera, 22, at si Absarin Vidik Salie, 21, pawang residente ng Brgy. Tagburos.

Sabi ni P/Maj. Edgar Salazar, hindi na nila naabutan sa lugar ang dalawang biktima dahil naidala rin agad ang mga ito sa isang pribadong pagamutan.

Base sa kanilang inisyal na imbestigasyon, ang dalawang biktima ay mga trabahador na nagkakabit ng street lights, habang nilalagay ng boom truck ang poste, inaalalayan ito ng dalawa, ng biglang hinangin ang live wire ng Palawan Electric Cooperative (PALECO) at dumikit sa poste na ikinakabit, dahilan upang sila ay makuryente.

Nakaligtas ang iba nilang kasamahan at naiwasan ang insidente.

Sa ngayon, ito pa lamang ang hawak na impormasyon ng mga pulis at patuloy pa rin ang kanilang imbestigasyon at pag-aalam sa kalagayan ng mga biktima.

Ayon naman kay city information officer Richard Ligad, ang mga nakuryente na trabahador ng GSMAXX Construction na contractor ng pagpapakabit ng street lights sa lungsod.

 

About Post Author

Previous articleCBCP calls for ‘prayer for healing’ amidst COVID-19 pandemic
Next articleEDITORIAL: A tricky sense of normalcy
Jayra Joyce Cañete Taboada handles the law and order and the science and education beats. She is also a licensed professional teacher.