Inaresto ng mga operatiba ng 2nd Special Operations Unit-Maritime Group (2nd SOU-MG) ang dalawang tauhan ng isang gasolinahan sa Barangay Rio Tuba habang iligal na nagde-deliver ng gasolina ang mga ito sa isang tindahan sa Sitio Tula Angre ng nasabing lugar.

Ang dalawang suspek ay kinilalang sina Agao Gilloagan Abigail, 24, at ang helper nito na si Sadi Tibyao Junjun, 22.

Ayon sa tagapagsalita ng 2nd SOU-MG na si P/Lt. Anna Viola Abenojar, mula sa Petron gasoline station sa Bataraza ay nagsusuplay ang dalawa ng gasolina na gamit ang hindi awtorisado o iligal na tangke ng gasolina.

“Ang gasolinahan nagde-deliber sila sa mga tinda-tindahan na nagbebenta naman ng tingi-tinging gasolina. Bawal yon kasi for security. Yong mga container, lalo na kapag nainitan puwedeng sumabog yon,” sabi ni Abenojar.

Base sa mga reports and surveillance, ito ang pang-apat na insidente na ng “pagbibiyahe at pagbagsak” ng mga ito sa mga tindahan mula sa Petron sa Bataraza.

“Puwedeng yong una ay may koneksyon sa mga gasolinang galing sa Malaysia. Pero yong nahuli natin ngayon ay galing talaga sa Petron ng Bataraza,” sabi pa ni Abenojar.

Nilinaw ng 2nd SOU-MG na bukod sa walang mga permit ang tangke na ginagamit ng mga suspek ay hindi ito ang klase na pinapayagan para sa pag-transport ng gasolina.

“Tanker siya na maliit, meron siyang lagayan… pero iba siya doon sa mga authorize na tanker na ginagamit ng mga gas stations,” dagdag pahayag niya.

Maliban sa dalawang unang suspek na nabanggit, inaresto din ang may-ari ng tindahan na kinilalang si Lihaylihay Monsanto Johnly.

Kasama din sasampahan ng kaso si Any Pacual na may-ari ng Petron gas station ng Bataraza dahil sa paglabag sa Section 2 ng PD 1865 kung saan iligal ang pagtra-transport at pagbenta ng mga petroleum products.

Sa ngayon ay mananatili ang tatlo sa pangangalaga ng maritime police habang kumpiskado naaman ang Isuzu elf mini truck tanker na may 2,000 ng gasolina, at 15 containers ng gasolina na mah halagang aabot sa P438,000.

 

About Post Author

Previous articleMangingisda sa Sofronio Española, hinuli dahil sa dynamite fishing
Next article‘Ofel’ may weaken into LPA as it traverses WPS
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.