Sep 28, 2020

2 lalaki patay sa banggaan sa Brooke’s Point

Kinilala ng pulisya ang ang mga sangkot sa banggaan na sina John Kevin Usop Nuevacobeta, 20, at ang angkas nitong si Aaron Torres Roncesvalles, 20 parehong residente ng Barangay Ipilan at si Jayson Pelenio Ave, 23, residente ng Barangay Samariñana.

Dalawa ang patay at isa ang sugatan sa banggaan ng motorsiklong naganap Martes ng gabi sa Barangay Samariñana, Brooke’s Point.

Kinilala ng pulisya ang ang mga sangkot sa banggaan na sina John Kevin Usop Nuevacobeta, 20, at ang angkas nitong si Aaron Torres Roncesvalles, 20 parehong residente ng Barangay Ipilan at si Jayson Pelenio Ave, 23, residente ng Barangay Samariñana.

Ayon sa imbestigasyon, madilim ang lugar na pinangyarihan ng aksidente at parehong mabilis ang takbo ng dalawang motorsiklong nasangkot.

Naideklarang dead on arrival ang drayber na si Ave at matapos ang isang oras naideklara ring patay si Roncesvalles habang patuloy pa ring inoobserbahan si Nuevacobeta.

 

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry