Sep 27, 2020

2 lalaki arestado sa Dumaran dahil sa tupada

Kinilala ang dalawang naarestong lalaki na sina Reniel Sinining Beguina, 26, at Marth Kevin Hosenilla Mariano, 25, parehong residente ng nasabing lugar. Hindi natukoy ang pagkakakilanlan ng 11 pa nilang kasamahan na natakas.

Dalawang lalaki ang inaresto ng mga pulis dahil sa iligal na tupada sa Sitio Salimbanog, Barangay Capayas, bayan ng Dumaran, Linggo ng hapon.

Kinilala ang dalawang naarestong lalaki na sina Reniel Sinining Beguina, 26, at Marth Kevin Hosenilla Mariano, 25, parehong residente ng nasabing lugar. Hindi natukoy ang pagkakakilanlan ng 11 pa nilang kasamahan na natakas.

Ayon kay P/Capt. Ric Ramos, tagapagsalita ng Palawan Provincial Police Office (PPPO), nakatanggap ng text ang hepe ng Dumaran Municipal Police Station na si P/Capt. Erwin Carandang ukol sa insidente.

Agad namang pinuntahan ng mga kawani ng istasyon ang nasabing lugar, at nadatnan ang isinasagawang tupada.
Nahuli ang dalawa ngunit nakatakas naman ang 11 nilang kasamahan.

Narekober sa lugar ng tupada ang 12 motorsiklo na pagmamay-ari ng mga sangkot, 2 patay na manok panabong, at 2 ring buhay.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 (Illegal Cockfighting) ang mga nasabing kalalakihan.

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry