Oct 1, 2020

2 huli sa bentahan ng baril

Dalawang lalaki ang nahuli dahil sa pagbebenta ng baril sa Moreno st., Brgy. Poblacion, District II, Brooke’s Point, Sabado ng gabi.

Base sa ulat na ipinadala ni P/Capt. Ric Ramos, ang suspek ay sina Jimson Gesim Maulama, 35, may-asawa, magsasaka at residente nf So. Pintasan,Brgy. Barong-Barong, Brooke’s Point at Rommel Mohammad Maulama, 32, may-asawa at watchman ng LGU Brooke’s Point.

Ayon sa ulat alas kuwatro ng hapon nakipag-ugnayan ang mga tauhan ng PIB, Palawan Provincial Police Office at 1st Company PPMFC 3rd Platoon sa Brooke’s Point Municipal Police Station para magsagawa ng entrapment operation.

Alas sais ng y medya ng gabi pumunta ang grupo upang arestuhin ang mga suspek at 8:40 ng gabi nahuli na ang dalawang suspek.

Ayon sa imbestigador  ng kaso ang kanilang isinagawa ay isang entrapment operation na ipinagbigay alam ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na agad naman nilang pinuntahan at nahuli ang mga suspek.

“Nanggaling ang impormasyon sa CIDG may nakuha silang information galing sa kanilang informant.   Matapos matanggap pumunta sila dito sa amin sa area kasi nalaman namin ang posibleng bilihan, nakipag-coordinate sila sa amin at nahuli nga ‘yong mga suspek. Na-inquest na namin sila kahapon at ang nai-file naming kaso ay violation sa R.A. 10591 Illegal possesion of firearms,” ayon sa kanya.

Nakuha mula sa suspek isang Colt .45 automatic pistol na may kasamang magazine, mga bala, tatlong pirasong P500, 37 pirasong P500 fake bills, isang Telego cellphone, at isang cherry mobile phone kulay green.

Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na ng Brooke’s Point Municipal Police Station ang mga suspek.

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry