Dalawang drayber ng tricycle ang nadakip sa isang buy-bust operation na ikinasa ng mga awtoridad sa Barangay Ocayan, bayan ng Bataraza, Linggo ng gabi.

Kinilala ng mga awtoridad ang dalawang suspek na sina Abdulgapol Ismael Turingan, 33, na ayon sa mga awtoridad ay under probation at Nacif Haron Albani, 30, parehong residente ng Barangay Rio Tuba.

Nahuli ang dalawa matapos mabilhan ng isang sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu sa halagang P500.

Nakumpiska din sa kanya ang dalawa pang sachet, paraphernalia, cellular phones, wallet at isang motorsiklo.

Nahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

- Advertisement -

Nadakip ang dalawa sa magkatuwang na operasyon ng Bataraza Municipal Police Station (MPS), Provincial Intelligence Branch (PIB) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

 

Previous articleYamang Bukid Farm gets imported carabaos for milk production
Next articleEl Nido fire office to clamp down on ‘bote-bote’ fuel and gas peddlers
Jayra Joyce Cañete Taboada handles the law and order and the science and education beats. She is also a licensed professional teacher.