Oct 28, 2020

2 binatilyo, patay sa banggaan ng motor sa Brooke’s Point

Kinilala ang mga biktima na sina Judito Tambole at Raprap Padam, parehong driver ng kanilang mga minamanehong motorsiklo na nagkabanggaan. Sila ay mga residente rin ng nasabing barangay sa Brooke’s Point.

Makikita sa kalsadang ito ang dalawang motor na minamaneho ng mga nasawi sa kalsada sa Barangay Ipilan, Brooke's Point. (Photo courtesy of Gee Na)

 

BROOKE’S POINT, Palawan — Dalawang binatilyo ang binawian ng buhay sa munisipyong ito matapos ang nangyaring banggaan ng motorsiklo sa Sitio. Linaw, Barangay Ipilan, ganap na ika-lima ng hapon ng Huwebes.

Kinilala ang mga biktima na sina Judito Tambole at Raprap Padam, parehong driver ng kanilang mga minamanehong motorsiklo na nagkabanggaan. Sila ay mga residente rin ng nasabing barangay sa Brooke’s Point.

 

Isa pang anggulo ng aksidente na naganap hapon ng July 9, 2020, sa Barangay Ipilan, Brooke’s Point. (Photo courtesy of Gee Na)

Sa impormasyong nakalap ng Palawan News sa isang saksi na hindi na nagpabanggit ng pangalan, matulin umano ang takbo ng motorsiklong minamaneho ni Tambole habang hinahabol ang isa pang naka-motor na kabataan sa kahabaan ng national highway sa Sitio Panay sa barangay din ng Ipilan.

Sa sobrang bilis ay hindi na nito nakontrol pa ang kanyang manibela at nasalpok ang paparating na si Padam mula sa Sitio Linaw papuntang Ipilan proper na agad nitong ikinamatay.

Samantala, nasa kritikal din ang kondisyon ng dalawang angkas ng mga biktima na agad namang dinala sa malapit na pagamutan.

 

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry