No Images found.

2 arestado sa Coron dahil sa pagtutulak ng shabu

Ang mga suspek ay kinilalang sina John Paul Furto, 31, at Raymund Santiago, 20, parehong residente ng Barangay San Isidro sa bayan ng Busuanga, Palawan.

Aabot sa 18 sachets (1.3 gramo) ng pinaghihinalaang shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa dalawang lalaki na naaresto sa isinagawang buy-bust operation sa bayan ng Coron ng municipal police sa Barangay Poblacion 5, hapon ng April 13.

Ang mga suspek ay kinilalang sina John Paul Furto, 31, residente ng Sityo Dipulao, Coron, at ang 20 anyos na kapatid ng kinakasama nito na si Raymund Santiago na mula sa Brgy. San Isidro sa Busuanga.

Ang halaga ng nakumpiskang 18 na sachet ay nasa 7,800 pesos, samantalang ang dalawang heat-sealed plastic sachets ay nabili sa halagang 1,000 pesos na siyang ginamit na marked money ng undercover agent.

Napag-alaman mula kay P/Cpt. Ervin Plando ng Coron MPS na maliban kay Furto, ilan pang mga kapatid nito ang na-involve na sa droga. Nakulong na rin ito at kalalaya lang noong nakaraang taon.

“Last year lang nakalaya yan (Furto), nakipag-plea bargaining sila, kasama niya isang kaptid niya sa parehong kaso din, at isa pang kapatid niya nahatulan na ngayon nasa Iwahig na,” pahayag ni Plando.

Simula buwan ng Pebrero, kung kailan unang na-monitor ng Coron Municipal Police Station (MPS) ang galaw ng mga suspek ay makailang beses na ring sinubukang i-operate ng mga pulis ang mga ito ngunit sila diumano ay nakakatunog.

Hindi kabilang sa high-value individuals (HVI) ang dalawa, ngunit hindi naman bababa sa P2,000 kada transaksiyon ng droga ang meron ang mga ito.

Ginagamit din ng suspek ang kanyang tricycle sa mga transakyon nito sa droga, ayon kay Plando.

“Parang mobile drug transaction ito sila, parang magpapasada lang, magsasakay ng pasahero tapos ‘yun pala magpapalitan na habang tumatakbo ang tricycle. Front lang niya ang pagiging tricycle driver,” dagdag pa ni Plando.

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry