Wed. Oct 23rd, 2019

2 arestado sa buy-bust sa Narra

Isang caretaker ng bahay at isang dispatcher ng pampasaherong sasakyan ang inaresto ng Narra police matapos ang isang buy-bust operation noong Huwebes, ika-11 ng Hulyo.

Kinilala ni P/Maj. Carlito Valdez, hepe ng Narra Municipal Police Station (MPS), ang dalawa bilang sina Gerardo Bernabe Jr. at Eric Neri, parehong residente ng Dagohoy St., Brgy. Poblacion, Narra.

Ayon kay Valdez, si Bernabe ay dalawang linggo nang nasa ilalim ng kanilang surveillance kasama ng Palawan Provincial Police Office-Drug Enforcement Unit (PPO-DEU).

Naaresto sa Dalandan Street si Poblacion si Bernabe at nakuha sa kanya ang tatlong sachet ng pinaghihinalaang shabu.

Matapos mahuli si Bernabe, itinuro naman nito si Neri na kanyang supplier a dispatcher sa isang transport terminal sa bayan ng Narra.

Agad namang nagsagawa ng panibagong operasyon ang mga awtoridad at nahuli rin agad si Neri sa Dagsa Residence, National Highway, Poblacion.

Kinumpirma ng mga pulis na ito ay nagtutulak ng ipinagbabawal na gamot. Nakuha kay Neri ang dalawang sachet ng pinaghihinalaang shabu.

Maliban sa shabu nakuha rin ang P1,500 na ginamit bilang marked money.

“Ang pagsugpo ng sa iligal na droga ay ating pina-iigting lalo na ang pagmo-monitor at pagkakaroon ng operasyon upang mahuli ang mga gumagamit at involve sa drugs,” ayon kay Valdez.

Ang mga suspek ay nasa pangangalaga na ngayon ng Narra Municipal Police Station.

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry