Si PLtCol Grace Vic Gumba, acting force commander sa kaniyang opening remarks sa 1st PPMFC Sportsfest opening, July 8.
- Advertisement by Google -

Nagsasagawa ng sportsfest activity ang 1st Palawan Provincial Mobile Force Company (1st PPMFC) sa kampo nito sa Sitio Panisiran, Barangay Pulot Center, sa bayan ng Sofronio Española, bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng 27th Police Community Relations (PCR) Month sa buong bansa.

Ang nasabing aktibidad na nagsimula noong Hulyo 8 at magtatagal hanggang sa katapusan ng buwan ay nilahukan ng mga Municipal Police Station (MPS) ng mga bayan at mga eskwelahan sa bahaging sur ng lalawigan.

Kabilang naman ang mga larong basketball at volleyball sa nasabing sportsfest na isinasagawa tuwing araw ng Biyernes at Sabado.

- Advertisement -

Ang sportsfest ay sinimulan sa pamamagitan ng isang parada at isang maikling programa kung saan, naging panauhing pandangal si P/Col Adonis Guzman, hepe ng Palawan Police Provincial Office.

Ayon kay 1st PPMFC acting force commander P/Lt. Col. Grace Vic Gumba, layunin ng nasabing sportsfest na lalong paigtingin ang pagkakaisa ng lahat ng mga pwersa ng pulisyasa buong sur ng lalawigan sa pamamagitan ng pagpapakita ng kanilang galing sa paglalaro.

“Para ma-develop ang camaraderie ng lahat ng players and magpakita ng pagkakaisa sa ating lahat. Binabati ko ang lahat ng lumahok sa 1st PPMFC Sportsfest. Salamat din sa pakikiisa ng ating Palawan PPO sa pangunguna ng ating provincial director,” pahayag ni Gumba.

Samantala, kaugnay pa rin ng pagdiriwang ng PCR month, isang community outreach program ang kanilang isinagawa kung saan namahagi ng foodpacks ang kanilang platoon ng 1st PPMFC sa Sitio Mariwara, Brgy. Princess Urduja sa bayan ng Narra.

About Post Author

- Advertisement by Google -
Previous articleProVet assures quality of imported meat products
Next articleCourt extends TEPO against Narra seawall project
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.