- Advertisement by Google -

Nakatakdang isagawa sa munisipyo ng Brooke’s Point ang 1st Governor Dennis Socrates Sepak Takraw at 3×3 Basketball Invitational Tournament sa darating na August 16-20 ngayong taon.

Ang nasabing palaro ay pangangasiwaan ng Provincial Governor’s Office-Sports Division, katuwang ang pamahalaang lokal ng Brooke’s Point.

“Layunin ng aktibidad na ito na muling mapasigla at mapalakas ang sporting events sa lalawigan sa pamamagitan ng pangangasiwa ng Provincial Sports Division. Dagdag pa rito ang hangaring hasain ang talento at galing ng mga Palaweño sa paglalaro ng basketball at sepaktakraw upang patuloy na maisulong ang youth development ng mga kabataang Palaweño upang mailayo ang mga ito sa masamang bisyo na isa sa mga prayoridad ng administrasyon ni Gob. Socrates,” pahayag mula sa PIO.

Ayon sa Governor’s Office-Sports Division, ang laro ay bukas para sa mga Palaweño na 17 taong gulang pababa.

- Advertisement -

Bilang mga requirements nito, mag-sumite ng mga sumusunod: PSA birth certificate, entry form, valid ID, at endorsement mula sa LGU na inirerepresenta ng mga nais lumahok at bilang pagtugon sa health protocols sa gitna ng Covid-19, kinakailangan ding fully vaccinated bago ito payagang makapaglaro.

Samantala, maaaring ipadala ang line-up ng bawat munisipyo kalakip ang gallery ng bawat manlalaro at mga kinakailangang dokumento sa pgosports123@gmail.com hanggang sa Agosto 15.

Samantala, para sa iba pang impormasyon, maaaring bisitahin ang official facebook page ng Palawan Provincial Sports Division o tumawag sa mga sumusunod na numero: Reggie C. Talian– 09070311158 (3×3 basketball) at Cesar Cases– 09151538538 (sepaktakraw).

About Post Author

- Advertisement by Google -
Previous article#MaligayangPagbabalikChaEunWoo trends on Twitter as he arrives in the Philippines ahead of fan meet
Next articleInternational film ‘1521: The Battle of Mactan’ adds to the cast actress Bea Alonzo
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.