Pinasalamatan ng pamunuan ng Ipilan Nickel Corporation ang lahat ng mga empleyado nito na naging katuwang ng kompanya sa pag-uumpisa ng shipment ng nickel ore na umabot na ng isang milyon at naging patunay na may benepisyo ang mina.
Ayon kay Dante Bravo, presidente ng parent firm ng minahan na Global Ferronickel Holdings Inc., noong Lunes, June 19, sa 1 Million Thanksgiving Event sa Barangay Maasin, Brooke’s Point, malaki ang kanilang pasasalamat sa mga empleyado at manager, at katumbas ito ng nabuong 1 milyong shipment nila ng nickel ore simula noong Setyembre 2022, dahil sila ay tuloy-tuloy na nagtrabaho sa kabila ng mga pagsubok.
Sa pagpapasalamat ay mariin niyang ipinahayag sa kanyang mensahe sa kanila na ang Ipilan Nickel ay committed sa mga gawain nito upang sila ay tulungan na magkaroon ng trabaho at upang ang ekonomiya ng bansa ay makabangon sa pakikipagtulungan sa pamahalaan.
Idinagdag rin ni Bravo na ang lahat ay nakasisiguro na ang kanilang operasyon ay naaayon sa batas dahil sila ay katuwang ng gobyerno sa naisin nito na magkaloob ng trabaho sa maraming residente.

“Kami ay tuloy-tuloy sa commitment, pero magsisimula sa No. 1 asset ng kompanyaāang ating mga empleyado. You can be assured na ang operasyon namin ay naaayon sa batasāpermittedākung ano pang kailangang gawin, yan po ay susundin namin,” ayon kay Bravo.
“Nakita niyo naman, kayo noong una ay nag-aalangan, pero sa loob ng walong buwan na kami ay nagsimula ng shipment, and even before that, nakita niyo na totoo ang benepisyo ng mina hindi lang sa trabaho, kundi pati sa social development, sa livelihood, infrastructure, health, at education. Sana ay samahan niyo kami sa panalangin na patuloy na maisakatuparan ang mga ito para sa lalong maunlad na bayan,” dagdag niya.
Sa kanyang mensahe pa rin ay tinuran niya at binigyang diin na sila ay committed sa industriya at sa kanilang partnership sa pamahalaan, at nangangarap na lalo pang lumago ito para sa ikabubuti ng mas nakararami sa Brooke’s Point.




“It takes a village to accomplish this far kaya kami, in behalf of the FNI management, kami ay taus pusong nagpapasalamat sa manggagawa ng Ipilan Nickel Corporation. Maraming maraming salamat sa inyong lahat,” pahayag pa ni Bravo.
Dumalo rin sa thanksgiving event si 2nd District Palawan Rep. Jose Alvarez at nagpaalala sa kompanya na patuloy nitong sundin ang mga itinakdang batas sa pagmimina, lalo na ang mga may kinalaman sa pangangalaga sa kalikasan.
Pahayag ni Alvarez, nakita niya ang trabahong naibigay ng kompanya na napapakinabangan sa ngayon ng maraming pamilya.
“Maraming salamat dahil napakalaki ng tulong ninyo dito sa mga walang trabaho. Basta pangalagaan ninyo ang environment while extracting mineral, at pagkatapos niyan, tambakan, taniman ng punong kahoy, ay happy na ako doon. Kung ano ang nakabubuti sa mamamayan ay doon ako papanig,” ayon sa kanyang mensahe.