Aabot sa 1,836 na mga bata sa bayan ng Odiongan ang makakatanggap ng libreng nutribun mula sa lokal na pamahalaan at sa Municipal Nutrition Action Office. (Larawan mula sa Odiongan PIO)

ODIONGAN, Romblon — Aabot sa 1,836 na mga bata sa bayan ng Odiongan ang makakatanggap ng libreng nutribun mula sa lokal na pamahalaan at sa Municipal Nutrition Action Office (MNAO).

Ito ay bahagi ng Nutribun Feeding program ng MNAO na naglalayong mabigyang tugon ang gutom at malnutrisyon sa mga bata lalong-lalo na ngayong panahon ng krisis.

Pormal na tinanggap ang mga nutribun ngayong Nobyembre 10 ng Odiongan LGU mula sa mga supplier nito kasabay ang mga pagkain na kaloob naman ng Powerfoods para sa nasabing programa.

Agad rin naman itong ipinamahagi sa iba’t ibang paaralan sa bayan maging sa mga barangay upang agad ring maibigay sa mga bata.

- Advertisement -

Ito na ang ika-lawang beses na mamahagi ang lokal na pamahalaan ng mga nutribun at gatas sa mga bata. (PJF/PIA Mimaropa)

Previous articlePuerto Princesa to host ‘invite-only’ Christmas event at Balayong People’s Park Dec 1
Next articleDBP prexy hailed as Outstanding CEO by international finance body