Nasa 18 na mangingisda mula sa Antique ang nahaharap sa kasong ilegal na pangingisda matapos silang maaktuhang gumagamit ng ipinagbabawal na compressor sa karagatang sakop ng munisipyo ng Roxas noong Abril 24.
Ayon sa ulat mula sa 2nd Special Operations Unit-Maritime Group (2nd SOU-MG) sila ay sakay ng bangkang “Welmar” mula sa Batbatan, Antique.

Naaresto sila habang nagsasagawa ng seaborne patrol at law enforcement operations ang mga tauhan ng 2nd SOU-MG sa lugar. Ayon pa sa ulat, bukod sa paggamit ng compressor, walang kaukulang permiso ang pangingisda nito sa loob ng municipal waters.
Nahaharap ang nasabing bilang ng mangingisda sa paglabag sa Section 86 ng Republic Act 10654 at Ordinance No. 1643, Series of 2015.



