Kasalang bayan sa Barangay Binga, San Vicente, Palawan

SAN VICENTE, Palawan — Labing-anim na magkasintahan ang ikinasal sa ginanap na kasalang bayan sa Barangay Binga sa bayang ito noong araw ng Martes, Mayo 18.

Pinangunahan ni Mayor Amy R. Alvarez bilang solemnizing officer ang pagsasagawa ng “Yes I Do!, a Mass Wedding Activity” na nilahukan ng 16 pares mula sa Bgy. Binga at isang pares ng senior citizens mula naman sa Brgy. Sto Niño.

Ayon kay Lucille C. Laong, officer-in-charge ng Office of the Municipal Civil Registrar (OMCR), ang kasalang bayan ay isa sa mga regular na programa na itinataguyod ng kanilang opisina. 

Aniya, limitado ang mga taong dumalo sa aktibidad upang masiguro ang pagsunod sa mga itinakdang panuntunan para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19. 

Dagdagpa ni Laong, nagsasagawa ng libreng kasalang bayan upang maging legal ang pagsasama ng magkasintahan.

“As per record kasi, mataas ang bilang ng mga inire-rehistro [na mga bata] na hindi kasal ang mga magulang. Ang LGU ay [nagsasagawa ng ganitong aktibidad] upang kahit papaano ay maikasal ang mga couple na hindi pa naikakasal,” saad ni Laong.

Bago ang naturang aktibidad ay tumungo ang OMCR sa Brgy. Binga upang magsagawa ng interview para sa mga ikakasal. Sumailalim din ang mga ito sa counselling at family planning seminar sa pangunguna ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO).

“Free na ang solemnization. Ang [kailangan] lang nila i-produce ay ang CENOMAR (Certificate of no Marriage) at application. Tsaka nali-less ang gastos nila kasi kami ang pumupunta sa kanila [para magsagawa ng] interview nila at sa counselling and family planning, ang MSWDO ang pumupunta sa kanila,” ani ni Laong.

Ito ang pangalawang kasalang bayan ngayong taon na pinangunahan ng alkalde ng San Vicente. Noong buwan ng Pebrero ay 27 magkasintahan din ang nakibahagi sa mass wedding na ginanap naman sa Bgy. Poblacion.

Previous articleBayan ng Española nagtala ng pitong bagong kaso ng COVID-19
Next articlePPCWD to implement online payment system soon
is the correspondent of Palawan News in San Vicente, Palawan. He also covers politics, government policies, tourism, health and sports. His has interest in travelling and exploring different places and food.