Nasabat ng mga tauhan ng 2nd Special Operations Unit-Maritime Group (SOU-MG) ang 15 container ng smuggled na gasolina mula sa dalawang lalaki na sakay ng minicab truck, madaling araw ng Huwebes, August 4, sa Barangay Tagnato sa bayan ng Bataraza.

Base sa report ng 2nd SOU-MG, naharang nila ang nasabing sasakyan mula sa Buliluyan Port, kung saan ibibiyahe sana ang mga ito at idi-distribute sa mga tindahan sa Brgy. Rio-tuba at iba pang barangay sa Bataraza.

Ang pagkakasabat ay base na rin sa mga impormasyong kanilang natanggap patungkol sa ilegal na pagbebenta ng mga gasolina sa lugar mula sa mga lantsa na bumibiyahe sa kalapit na bansang Malaysia.

“Bago pa man ang biyahe ng lantsa o ano pa mang pagkakargahan nila ng mga produkto, may mga kontak na ‘yan dito. Kaya pagdating dito distribute na lang agad ‘yan,” pahayag ni P/Lt. Anna Abenojar, tagapagsalita ng 2nd SOU-MG.

Tikom naman ang bibig ng mga suspek na sina Alyas Arnel, 46 na taong gulang, at 19 na taong gulang na si Alyas Jhun, kung sino pa ang iba pang sangkot sa kanilang ilegal na gawain.

Nasamsam mula sa mga ito ang mga container na naglalaman ng smuggled na gasolina na tinatayang nagkakahalaga ng P48,000.

Sinampahan naman ang dalawa ng kasong paglabag sa Section 2 ng Presidential Decree No. 1865 o ilegal na pagbebenta ng mga produktong petrolyo.


DO YOU LOVE KOREAN FOOD?
Here's the Adventist Hospital Palawan (AHP) in A Healthy Palawenyo to teach you how to make Vegetable Bibimbap!

About Post Author

Previous articleSuper Junior postpones concert, to hold meet-and-greet instead
Next articleCity training program develops youth leaders
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.