Labing tatlong residente ng Puerto Princesa City, kabilang na ang isang walong taong gulang na batang babae, ang na-rescue ng mga operatiba ng maritime police matapos na nagka-aberya at magpalutang-lutang ang kanilang bangka, alas diyes ng gabi ng January 3, sa karagatang sakop ng mga barangay ng Manalo at Maryugon.

Ayon kay P/Lt. Anna Abenojar, tagapagsalita ng 2nd Special Operations Unit-Maritime Group (2nd SOU-MG), ang mga ito ay residente ng mga barangay ng Bagong Pag-asa, San Pedro, Mandaragat, at Manalo na magsasagawa sana ng charity mission ngunit hindi na itinuloy dahil sa sama ng panahon.

Sa halip ay nag-excursion na lamang diumano ang grupo at nang pauwi na ay nasiraan ang bangka na sinasakyan ng mga ito na naging dahilan na sila ay ma-stranded.

“Pagtanggap namin ng tawag mula sa 911 (bandang 8:25 p.m.), nag-dispatch kami agad ng tao. Bandang 9:45 p.m. nakita na namin ang grupo sakay ng J.K.J. na bangka,” pahayag ni Abenojar.

“Basa na silang lahat dahil sa ilang oras na rin na nakalutang ang kanilang sinasakyang bangka sa dagat, tapos ang lakas pa ng ulan,” dagdag pahayag niya.

Agad na dinala ang 13 sa headquarters ng 2nd SOU-MG sa Honda Bay sa Brgy. Sta. Lourdes at binigyan ng medical treatment.

Sa impormasyon na binigay ng grupo sa maritime police, sinabi ng mga ito na magsasagawa sana sila ng charity work sa Manalo ngunit dahil sa sama ng panahon ay napag-desisyunan nila na maligo na lang sa Isla Puting Buhangin na sakop din ng nasabing barangay.

“May charity work sila sa Manalo, kaso lang, masama ang panahon. Ayon, naligo na lang sila sa isla. Bandang alas 3 ng hapon sana babalik na sila sa FaraLily Resort kung saan sila pansamantalang nag-stay, pero dahil sa hindi maganda ang condition ng dagat, naghintay sila na kumalma bago sana bumiyahe,” kuwento pa ni Avenojar.

Umabot pa nang tatlong oras na paghihintay bago nag-desisyon ang mga ito na umalis ng Isla bandang 6:17 p.m., pero bandang 6:30 na ng gabi ng biglang nagka-aberya ang makina ng bangka nila dahil na rin sa lakas ng alon at hangin na nagpadpad sa kanila malapit sa Barlas Island, sa Manalo kung saan sila natagpuan.

 

 

About Post Author

Previous articleDuterte orders PhilHealth to defer contribution hikes
Next articleRedundant traffic signages along Roxas Street; City dads want answers
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.