Tue. Oct 15th, 2019

11th Provincial Cooperative Convention, gaganapin sa Palawan

Muling isasagawa sa lalawigan ang taunang pagtitipon ng mga kooperatiba. Ito ay sa pamamagitan ng 11th Provincial Cooperative Convention na may temang “Kooperatiba: Katuwang sa Tunay na Pag-unlad ng Mamamayan sa Palawan”.

  • 1
    Share

Ang pagpupulong ng Provincial Cooperative Development Council (PCDC) kamakailan upang pag-usapan ang muling pagsasagawa ng pagtitipon ng mga kooperatiba sa Palawan. (Larawan ni Leila B. Dagot/PIA-Palawan)

Muling isasagawa sa lalawigan ang taunang pagtitipon ng mga kooperatiba. Ito ay sa pamamagitan ng 11th Provincial Cooperative Convention na may temang “Kooperatiba: Katuwang sa Tunay na Pag-unlad ng Mamamayan sa Palawan”.

Ang pagtitipong ito ay napagkasunduan sa isinagawang pagpupulong ng Palawan Provincial Cooperative Development Council (PCDC) sa gusali ng Kapitolyo kamakailan.

Layon ng pagtitipon na kilalanin ang kahalagahan ng kooperatiba sa mga gampanin nito sa pag-unlad ng lokal na ekonomiya sa lalawigan. Itinataon ang pagtitipon ng mga kooperatiba sa Palawan tuwing Oktubre bilang pag-obserba sa pagdiriwang ng Buwan ng Kooperatiba.

“Muli ay makikipag-ugnayan tayo sa mga kooperatiba upang marinig natin ang mga updates mula sa kanila – mga kwentong tagumpay nila na karapat-dapat tularan at matuto pa sa iba pang mga paksa mula sa mga eksperto sa larangan ng kooperatiba na magbabahagi ng kanilang mga pananaw at mahalagang impormasyon para sa higit na dinamiko at epektibong mga operasyon ng kooperatiba,” ayon kay PCDC Chairperson Romeo A. Valdez

Si Cooperative Development Authority (CDA) Mimaropa Regional Director Cristina H. Villanil ang inaasahang magiging panauhing pandangal sa nasabing pagtitipon.

Ang Provincial Cooperative Congress ay isinasagawa sa pangunguna ng PCDC katuwang ang Provincial Cooperative Development Office (PCDO) sa Oktubre 23-24 sa Lungsod ng Puerto Princesa.

Isinusulong naman ng PCDO, katuwang ang Department of Education (DepEd)-Palawan, ang pagbuo ng Laboratory Cooperative na tatawaging “KooperatiBata ng Palawan”.

Ayon kay PCDO Officer Victoria Ladica, layunin ng programang ito na mabigyan ng gabay at maturuan ang mga mag-aaral, mga guro at mga magulang sa pagpapalago ng negosyo at financial literacy sa mabubuong kooperatiba. (Orlan C. Jabagat/PIA-MIMAROPA, Palawan)

  • 1
    Share
Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry