Aabot sa 11 na sako ng uling sakay ng isang Rusi Chariot three-wheeled motorcycle pick-up ang nakumpiska ng awtoridad sa Sitio Balolo, Barangay Guadalupe sa bayan ng Coron, matapos nilang harangin ang driver nito noong Martes ng gabi, Mayo 24.
Ang driver na isinailalim sa kustodiya ng 2nd Special Operations Unit-Maritime Group (2nd SOU-MG) Coron Detachment ay kinilalang si Jessie Balladares, 34.
Nagsasagawa ng law enforcement operation ang mga tauhan ng 2nd SOU-MG sa lugar nang mapansin ang sasakyan ni Balladares na may mga kargang sako ng uling na diumano ay paglabag sa Section 68 ng Presidential Decree 705, o Forestry Reform Code of the Philippines.
Ang section ay may kinalaman sa ilegal na pagputol at pag-kolekta ng timber products na walang kaukulang permiso at lisenya.
